Biyernes, Oktubre 30, 2015


Nagsimula sa wala. As in WALA. Walang direksyon na susundan, walang daan na lalakaran. Walang alam sa tinahak, parang nagkalat na mga burak. Walang patutunguhan, walang kalalagyan. Parang pagsusulat ng isang kwentong walang kwenta. Di alam kung paano sisimulan. Sino ang mga tauhan? Saan ang tagpuan? Paano dadaloy ang kwento? kailangan ko bang mag imbento? 

Ganyan ko maipapaliwanag ang pagpasok ko bilang kolehiyo, Walang plano. Mayroong gusto ngunit di sigurado. Anu nga bang kukunin ko? ang tanung sa sarili na magpakahanggang ngayo'y nasa kritikal na lebel ang kasagutan. Sabi nila bago ka tumuntong ng kolehiyo ay dapat alam mo na ang karerang gusto mong tahakin. Pero baliktad pagdating sa akin. , First Choice: Bachelor of Science in Computer Engineering. Second Choice: Bachelor of Science in Accountancy. Third Choice: Bachelor of Science in Electronics and Communication Engineering. Kung gaano kabigat ng kursong mga pinili ko, ay ganoon rin kabigat ang pakiramdam na hindi nakalaan sa akin ang tatlo. 

Nagsimula ang unang semestre. Unang araw bilang kolehiyo, unang araw sa unang taon. Akala ko magiging madali, ayun pala hindi. Ibat ibang alituntunin at paksa, ibat ibang propesor. Mayroong madali,mayroon ding mahirap. Mayroong masungit, mayroon ding mabait. Halo halong katauhan, sa isang paaaralan, halo halong emosyon, na dala ng panahon. 

Habang pabilis ng pabilis ang panahon, di ko na alam kung tama ang aking desisyon. maraming balakid na humarang, ngunit bakit nanatiling nandyan. Pagkalkula, pagresolba, pagkabisa, ano pa ba? pagkatakot? depresyon? "baka bumagsak ako dun!." Apat na taong binitbit, Kahit ganaano kabigat ay dinala nang pilit. Sa una'y may pag aalinlangan man, ngunit napawi sa paniniwalang ito'y nakalaan. 

Ngayon ay huling semestre ko na, susuko pa ba? Pagtungtong sa entablado'y malapit na, pagkakaroon ng lisensya'y ma-aabot ko na!


Ronald S. Orteza
Bachelor of Science in Electrical Engineering
Batch 2016


"Kung para sa'yo, ibibigay ng buong buo"


His plan is better than yours!